|
Calendar
General
Highlights
Xaverian's Corner
Reflections
Athletics
Communities
Alumni
Academics
About Xavier
|
|
MAGIS
Making Christmas
Happen
Collected and Compiled by Kristelle Garcia, Class Adviser 1I
Posted
Thursday, 16-Dec-2004 3:19 PM
Volunteerism
is Alive and Kicking
By Mr. Marc Magsalin, Asst. Principal Unit 2
Nagayuma
By Zarah Grace Calimag-Gagatiga, GS Web Editor
Keeping the Faith
By Shiela Mia Valencia, GS Student Council Moderator

Volunteerism
is Alive and Kicking
Marc Magsalin,
Asst. Principal Unit 2
12.
11. 2004. Shangri-la. Robinson’s Galleria. SM Megamall. Unimart. As shoppers
were busy completing their gift list, a group of student and teacher volunteers
welcomed each one of them with a smile and a piece of paper saying: Sagip
Pasko: Feast of the Poor…making Christmas happen. What can they say about
this X(mas)perience?
I was completely overwhelmed and humbled
by the experience of seeing teachers and students sweating it out in the
mall with little preparation for such an outreach activity. Those who
signed and showed up should be commended for this great act of service.
More than anything else, the spirit of volunteerism is alive in Xavier
School as embodied in our desire to give more and be men truly for others
and with others.
I’m so happy that in my own little way,
I had been an instrument for this worthy cause. I’d be glad to do it again
for as long as it is needed.

Nagayuma
Zarah Grace
Calimag - Gagatiga, GS Web Editor
Para sa akin, may
kung anong gayuma ang Pasko. Bakit ba kung kailan malamig ang hangin at
napapaliguan ng Christmas lights ang buong siyudad, hindi ko maiwasang
magsaya. May nakatagong ngiti sa aking puso at tila isa akong bata na
umaasa sa isang hiwagang parating sa buhay ko. Sa totoo lang, marami akong
hinaharap na pagsubok sa ngayon. Subalit, sa pagdating ng panahon ng advento
tila napupuno ako ng pag-asa.
Ganito rin kaya ang nararamdaman ng iba? May pag-asa kayang kumukutikutitap
sa kanilang puso ngayong kapaskuhan? Paano na lang ang mga may sakit,
ang mga may matitinding problema sa buhay, at ang mga nasalanta ng nakaraang
bagyo? Magayuma rin kaya sila ng Pasko?
Sa aking palagay, ay may kanya-kanyang gayuma
ang Pasko sa bawat tao. Dahil may epekto ang bawat gayuma, iba-iba rin
ang resulta nito. Maihahalintulad ko ito sa isang bukang liwayway na dahan
dahang kumakalat sa aking katawan hanggang maramdaman ko ang init at makita
ko ang liwanag. Init at liwanag na gusto kong ibahagi. Kaya noong ika-8
ng Disyembre, nakatuwaan kong magsuot ng sombrero ni Santa Claus at batiin
ang bawat taong makita ko sa Xavier School ng “Mery Christmas”. Nangingiti
na lamang sila, natatawa, subalit masaya akong makapagbahagi ng kasiyahan
sandali man ito at may kababawan. Kahibangan ba? O nagayuma?
Bukod dito, napagpasyahan kong tumulong sa Sagip Pasko. Kaya noong Sabado,
Disyembre 11, 2004 nasa Robinson’s Galeria ako kasama ang iba pang mga
volunteers. Binubuo kami ng mga guro sa grade school at mga mag-aaral
na miembro ng GS Student Council. Mula 12.30 ng hapon hangang 5.30, nanghingi
kami ng mga donasyon sa mga mamimili sa grocery department ng Galeria.
Sa unang pagkakataon, nanghingi ako ng pagkain para sa ibang tao. Dati,
nagbibigay lang ako sa Christmas Drive. Pa-donate donate, pa-campaign
campaign dyan. Pa-sulat sulat ng article sa website para maraming donasyon.
Sa pagkakataong ito, naging saksi ako sa mga mumunting milagro ng buhay.
Sanay naman akong mag-volunteer at makibahagi
sa mga outreach projects. Hindi rin naman ako mahiyain kaya ang panghihikayat
sa mga mamimili sa Galeria ay naging madali para sa akin. Pero, hindi
ko pa rin maiwasan ang panghinaan ng loob kung may mga tumatanggi at nagtataray.
Ayon naman kay Bb. Dy, meron siyang mga maaanghang na pananalitang narinig
mula sa ibang tao nang malaman nilang taga-Xavier kami at nanghihingi
ng donasyon. Ngiti lamang ang ganti sa ganitong mga tao. Kahit naman isa-isahin
ang mga pagsisiskap ng paaralan upang makatulong sa iba, maiintindihan
kaya nila? Kaya sige lang kami. Hindi dapat patulan. Bigay ng leaflet
dyan, tawag at ngiti dito, at lapit sa mga mamimili hangang mapuno rin
ang aming kahon.
Bandang alas dos, hinakot na ang unang rasyon ng mga naipon naming donasyon.
At habang tumatagal, nasisiyahan kami sa aming ginagawa. Kitang kita ko
rin ang saya sa mukha nina Kurt, Lance, Timothy, Ramon at Rocky sa tuwing
may magbibigay at magaabot ng delata, noodles, gatas, isang kahon ng sari-saring
grocery items. Hindi naman sa amin mapupunta ang mga ito, pero, masaya
ang pakiramdam namin. Kahanga-hanga ang sigasig ng mga Xaverian. Sa aking
palagay, isa itong napakahusay na aralin para sa kanila.
Nakisalamuha sila sa iba’t ibang uri ng
tao. May nakilala silang mag-inang mamimili na taga Infanta, Quezon. Hindi
maiwasan nang matandang babae ang matuwa sapagkat maraming tumutulong
sa kanyang mga kababayan. Silang mag-ina ay kasalukuyang nasa Maynila
at dito nila balak magsimula ng panibagong buhay. Nasaksihan rin mga Xaverian
ang iba’t ibang reaksyon ng mga tao at napatunayan na sadyang hindi madali
ang manghingi. Nakipagusap sila sa mga empleyado sa grocery store. Para
sa mga Xaverian, naging isang sulyap ito sa buhay ng isang ordinaryong
manggagawa.
Sadyang
mapagbiro ang tadhana dahil, bukod sa mga empleyado sa grocery, nakausap
at nakilala ng mga Xaverian ang isang alumnus. Wala kaming kamalay-malay
na ang kausap na pala ni Lance at Timothy ay si G. Lance Gokongwei na
pagkatapos magbigay ng kanyang donasyon, ay lumapit sa aming mga guro
at saglit na nakipagusap.
Matamis ang kanyang ngiti sa amin at nagpakasiguro
siya kung kami nga ang mga gurong kasama ng mga Xaverian doon. Nagningning
ang kanyang mga mata ng makita niya ang logo ng Xavier School. Tinuro
niya ito at buong pagmamalaking sinabi, “My school.” Noong una, hindi
rin namin inakala na si G. Gokongwei na nga iyon kung hindi pa binuko
ni G. Peter Martin Gomez. Simpleng tao lang si G. Gokongwei. Wala siyang
mga bodygurads. Nakamaong at puting polo shirt lang siya. Magiliw siyang
nakipagusap sa kapwa niya mga Xaverian.
Kahit kalahating araw lang ito, maraming
C’s ang nagamit at naisakatuparan ng mga Xaverian na naroon. Ang pakiramdam
ko nga, nagturo
din kami nung Sabadong iyon ng mga aralin na hindi naman planado. Kahanga-hanga
talaga ang araw na iyon. Bawat magbigay ng donasyon, maliit man o malaki,
marami man o kakaunti ay ikinagagalak naming tanggapin. May dignidad sa
pagbibigay, at pagpapakumbaba sa pagtangap. Tunay nga, na ang pagpapakita
ng simpatya ay isang bukal na umaagos sa bawat puso ng tao. Sigurado ako
na kahit hindi Pasko, maraming tutulong at makikipagtulungan sa mga nangangailangan.
Hindi ko na inisip ang mga taong nagtaray at nambalewala sa amin. Ang
mahalaga, nakatulong kami sa abot ng aming makakaya. Nakakapagod man,
talagang ganyan pag nagayuma, hindi alintana ang hirap.
Sa aking pag-uwi, paulit-ulit na naglalaro
sa aking isip ang katagang "Charity begins at home', ika nga sa English.
Lumabas ako sa aking tahanan nang araw na iyon. Bilang isang faculty ng
Xavier School, lumabas din ako sa apat na sulok ng paaralan. Sa aking
pagbabalik sa kanlungan ng mga taong nagmamahal sa akin at minamahal ko,
sisimulan kong muling magbigay at magpakita ng kawanggawa sa kanila. Nang
sa ganon, maibahagi rin nila ang kanilang sarili sa mundong ito na sabik
na sabik sa gayuma ng Pasko.

Keeping
the Faith
Shiela Mia
Valencia, Moderator GS Student Council
There are projects and
there are projects. Activities are overflowing and never ending. But the
Sagip Pasko outreach activity is one that I will long remember because
it was done by volunteers, students, teachers and non-academic staff of
Xavier School, who were quick to respond to the needs of the times. Simple.
Nothing much, really. Yet, I consider it as an act of heroism for others.
Distributing
leaflets may seem an activity so mundane, but it is in fact, very tiresome.
It is actually a challenge to one's self esteem when customers, shoppers
and people malling around refuse to accept one leaflet, more so, listen
to the pitch. It requires great amounts of humility to do it for hours.
And tremendous patience to stand there and ask for canned goods saying
the same lines over and over.
On the other
hand, the experience restores one's faith in humanity in general and on
the Filipino in particular. There was this lady who donated goods for
the drive when all the while, she was also from Infanta. She was in the
supermarket buying new household stuff since they will start anew in Manila.
There was also this parent from Xavier who donated so much, she almost
filled our box to the brim. But my favorite Sagip Pasko moment was when
two ladies donated all their grocery bags loaded with an assortment of
goods for the drive. It surprised even the high school Xaverian who were
helping them carry their grocery bags.
Truly, the Sagip
Pasko was successful. Not only because we were able to raise so many donations,
or have asked people to participate. But it was successful because, it
brought out the best in us. This is a ray of hope that shines amidst this
tough and troubled life. It is a sign that the capacity of the human spirit
to make a difference is kept alive. For those who have lost faith and
who are loosing faith, I hope that they get to read our stories and be
inspired to keep the flame of faith burning in their lives.
Merry Christmas!
Go
back to the top ^
|
|
|

|