Search


Calendar
This Month
General

Highlights

Xaverian's Corner


Reflections


Athletics


Communities

Alumni
AAXS


Academics
The Xavier Education
Early Education
Grade School
High School
Admissions

About Xavier
Vis Mis Goals
Brief History
St. Francis Xavier
Kuang Chi
Coat of Arms
School Mascot
School Song
Prayer of SFX
Pledge
Video






 

 

XAVERIAN'S CORNER


STALLION REVIEW:

PSP: Nasa Bulsa Ko ang PS2!

Carl Cue, 3C

Posted Thursday, 07-Oct-2004 11:21 AM

 

      Pinatitindi pa ang kanilang kagalingan sa pag-iisip ng bagong ideya, ang Sony Computer Entertainment Incorporated (SCEI) ay nagsikap upang palawakin ang home entertainment sa pamamagitan ng isang all-in-one portable entertainment platform: ang Playstation Portable o PSP.


PSP: Gameboy at PS2 sa iyong bulsa

Ang larawan ay galing sa metropolis.japantoday.com

      Sa kanaisang makagawa ng isang bagong video game console na maaaring madala kahit saanman magpunta, nagtangkang lumikha ang Sony ng kagamitan tulad ng PSP.    Dahil sa katanyagan at kagalingan ng Sony pagdating sa global brand awareness at teknolohiya, maisasakatuparan na rin ito sa wakas.

 



           Nakapaloob sa PSP ang isang 480 x 272 pixels widescreen monitor na may backlight.  Dahil dito, malinaw at magandang graphics ang hatid nito.   Matatagpuan naman sa magkabilang dulo ng monitor ang mga pindutan na iniayon sa orihinal na pagkakagawa ng controller ng Playstation 2.   Halos magkapareho na ang PSP sa Playstation 2 maliban sa isang detalye: ang kanilang laki. Kitang-kitang higit na mas maliit ang PSP kung ikukumpara sa Playstation 2 kahit man napapantayan ng una ang sayang hatid ng nahuling binanggit.   Tila ba dala mo ang Playstation 2 at ang telebisyon mo sa loob ng iyong bulsa.  Samakatuwid, maituturing ang PSP bilang Playstation 2 at Gameboy Advance na pinagsama.

Malapitang Pagtingin sa PSP

Ang larawan ay galing sa www.digitalbackspin.com


      Datapwat hindi pa inilalabas sa publiko and PSP, karamihan sa mga kabataan ang nagnanais nang bumili nito sa lalong madaling panahon.
  Hindi naman natin sila maaaring masisi dahil talagang ganyan kaganda at

katangi-tangi ang isa sa mga pinakabagong teknolohiya sa kasalukuyang panahon.

 

 

 

 

Go back to the top ^

   






Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.
 

XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site


© 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved.
Terms under which this service is provided to you.
Read our disclaimer. Contact us.
  All external sites will open in a new browser.
Xavier School does not endorse external sites.
    Site Archive