![]() |
|
Calendar
|
XAVERIAN'S
CORNER Ang Tsinelas ni Joboy Kwento nina Arnold Lau, Miguel De Jesus, Miguel Ordoñez at Michael Chan 7A St. Augustine of Hippo Posted Tuesday, 07-Sep-2004 10:32 AM
"Benjie!" Ang tawag ng tsinelas sa kabiyak. "Sa wakas, may nakahanap na sa atin." Nang sumikat ang araw, nagising si Joboy. Nagulat siya nang nagsalita sa kanya si Benjie at Berto. "Ano?" Sabi ni Joboy. "Paano kayo nakakapagsalita? Nananaginip yata ako?"
"Kami ay mahiwagang tsinelas," sagot nina Benjie at Berto. "Matagal na kaming naghahanap ng amo. Bilang pasasalamat, bibigyan ka namin ng isang hiling."
"Ito lang ba ang maibibigay sa akin ng dalawang ito? Wala akong pagkain, tubig, o pera..."
Nagtaka ang tsinelas. "Hindi iyan pwede, Joboy. Isang hiling na lang ang pwede naming ibigay sa iyo." Natakot ang mga tsinelas. "Sige na! Huwag mo na lang kaming itago." Sa mga sumunod na araw, dumami ang kayamanan ni Joboy, ngunit hiling pa siya ng hiling. Hindi nagtagal, naging masyadong mayabang si Joboy. Payabang siya ng payabang hanggang isang araw, umakyat siya sa kanyang bubong at nagpahayag ng malakas, "Ako ang pinakamayamang tao sa mundo. Walang makakapigil sa akin!"
Isang gabi, bumalik si Joboy sa kanyang bahay galing sa paglalakwatsa. Iniwan niya ang kanyang tsinelas sa labas ng kanyang bahay upang hindi mabasa ang sahig ng kanyang bahay. Pumasok siya sa kanyang bahay at siya ay nanood ng TV.
Sa lungkot ni Joboy, umupo siya sa kanyang karton. "Sana lang ay hindi ako nasobrahan sa damot. Tuloy, tumakas na ang tsinelas ko ... Hay... Sandali! Hindi makakalakad ang tsinelas na walang paa! Ano kayang nangyari?..." Bumigay ang kanyang karton, at ito ay bumagsak.
|
|
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |