![]() |
|
Calendar
|
XAVERIAN'S CORNER Direktor
ng Paaralang Xavier, Padre Johnny Go ng Kapisanan ni Hesus, Chairman ng
Board of Trustees, Padre Ismael Zuloaga ng Kapisanan ni Una sa lahat, nais kong ipahayag ang lugod naming mga magtatapos dahil narito kayong lahat hindi lamang upang saksihan ang pag-akyat namin sa entablado kundi upang makibahagi sa aming saya sa araw na ito. Ngayong gabi, ako ang naatasang gumanap ng tungkulin bilang siyang tagapagbati sa inyo, aming mga panauhin. Subalit higit pa riyan ang nais kong gawin. Kung baga, sa isang party , ang pagdiriwang ay nagiging mas masaya at makabuluhan kung may masarap na pagkaing pagsasaluhan. Ngunit, higit na sumasaya ang pagsasalu-salo kung ang mga nagsisidalo ay magkakakilala. Gayong walang dudang kilala ninyo, mga bisita, ang aking mga kamag-aral bilang mga indibidwal, marahil ay marami pa kayong dapat malaman ukol sa aming batch , bilang isang pamilya. Tulad ng bawat batch , kami ay nagtataglay ng sari-sariling kakayahan at kahinaan, mga pambihirang pananaw at bukod-tanging pagkatao. Gayunman, sa harap ng matitinding bagyo't sakunang pinagdaanan namin, isang matingkad na katangiang namamayani ay ang manatiling nagkakaisa at nagdadamayan, tulad na lamang nang harapin namin ang paglisan ni Dominic. Sa gitna ng lungkot dulot nito, sinikap naming pasayahin ang mga huling sandali niya sa pamamagitan ng mga get-well-soon cards at goodbye notes na inihanda ng bawat klase. Mula simula hanggang sa pagpanaw ni Dominic, ang batch ay hindi tumigil sa panalangin. Bukod sa pagkakaisa, ang batch namin ay kilala rin dahil sa malaking puso nito para sa paglilingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa. Hinding-hindi namin malilimot ang aming karanasan sa Para Kay Kiko, kung saan napakaraming nagkusang lumahok sa pagtuturo ng mga mag-aaral mula sa pampublikong paaralan. Kahit wala nang ICAns sa PKK noong isang taon, dumagsa pa rin kami upang kusang loob na magbahagi ng aming oras at kakayahan. Sa huli, ang PKK ay hindi kinapos sa mga kamay at paa na siyang nagtulung-tulong upang makamit ang hangarin ng proyektong iyon. Maraming-marami pang ibang katangian ang aming batch subalit ang dalawang ito ang siyang pinakamahalaga sa amin, kung kaya't nais naming tandaan n'yo kami bilang mga mag-aaral na nagkakaisa sa paglilingkod sa Diyos. 間過得真快,同窗十三年,一眨眼間,就要各自分離了,回想起母校的點點滴滴,師長們諄諄教誨,親切的關懷,同學們情同手足,共切磋,同歡笑, 瀝瀝在眼前,但畢業鐘聲催招我們寸步難停。今日分別,相見又在何時何方呢,真叫人依依難捨啊!但是,同學們前面的路途充滿招挑戰,讓我們帶招母校師長所給予的教導,勇敢地走向人生的另一个旅程。來日,帶招成功的果實,回饋,愛我們,關心我們的師長父母們。 親愛的師長們,您們辛苦的教導,我們永記在心,親愛的爸爸媽媽,您們給我們的一切,我們感恩不盡,我們一定會努力學習,不會讓您們失望的。 Amidst this sadness, we rejoice that all the hard work has paid off. Grief must be set aside, for graduation is a celebration of joy, a moment of g race and not a day of despair . In celebrating this occasion , we look forward to the years to come and the other stops in this joyride of life, where we will meet more friends and learn new lessons while cherishing our memories together and practicing the Christian values Xavier has instilled in us . I would like to sincerely express our gratitude to our parents and teachers who are witnesses to many turning points in our lives and who are present to send us off into the next phase of our journey. In b ehalf of Class 2005, I once again welcome you all to this graduation ceremonies, a celebration of our triumphs and achievements – a celebration of your love and support for each of us. Thank you and good evening.
|
|
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |