![]() |
|
Calendar
|
HIGHLIGHTS Maria: Di-karaniwang Ehemplo ng mga Karaniwang Tao Martin Lenuel Tee (H2B), Manunulat ng Balita ng Stallion Posted Monday, 04-Sep-2006 9:43 AM
“Hindi kailangang maging isang katangi-tanging tao
upang makagawa ng mga katangi-tanging bagay.” Kilala ang buwan ng Agosto bilang buwan ng markahang pagsusulit, buwan ng tag-ulan at buwan ng Wikang Pambansa. Higit dito, ito rin ang buwan kung kailan ginugunita natin ang Mahal na Birheng Maria, ating Ina.
Noong ika-23 ng Agosto, ipinagdiwang ng buong komunidad ng Mataas na Paaralan ang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit kay Bireheng Maria na pinangunahan ni Fr. Johnny Go, S.J. at Fr. Guy Gibelondo, S.J.
Alinsunod na rin sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ginanap ang pagdiriwang ng banal na misa sa wikang Filipino.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang na ito, inialay ng mga kinatawan
ng bawat taon ang mga
Makahulugan at pamukaw-pansin ang naging homilya ni Fr. Go na patungkol sa pelikulang Exorcism of Emily Rose . Isinalaysay niya ang naging buhay ni Emily Rose at iniugnay ito sa buhay ni Maria. Tulad ni Emily Rose na isang karaniwang kolehiyala, isang karaniwang tao lamang din si Maria na itinakda ng Panginoon upang isakatuparan ang Kanyang kahilingan.
Ayon nga kay Fr. Go, “You do not have to be an outstanding person to do outstanding things.”
Sa kapistahang ito, inaanyayahan ang lahat na tupdin ang
mga plano ng Panginoon nang
Nagwakas ang banal na misa sa wikang pasasalamat. Sa pamumuno ni Jonn Dy, SC President, sinundan ito ng pagbati at pag-awit para kay Fr. Go na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong ika-21 ng Agosto.
|
|
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |