Search


Calendar
This Month
General

Highlights

Xaverian's Corner


Reflections


Athletics


Communities

Alumni
AAXS


Academics
The Xavier Education
Early Education
Grade School
High School
Admissions

About Xavier
Vis Mis Goals
Brief History
St. Francis Xavier
Kuang Chi
Coat of Arms
School Mascot
School Song
Prayer of SFX
Pledge
Video






 

HIGHLIGHTS

Sa Harap ng Madla
Engelbert Chua (H4C), Tagabalita ng Stallion

Posted Friday, 15-Dec-2006 10:01 AM

 

      Unti-unti nang nawawala sa sirkulisasyon ang mga palabas na panteatro dahil sa walang prenong pag-abante ng ating teknolohiya. Subalit, hindi pa ito tuluyang naibaon sa limot ng mga estudyante ng Xavier School.

 

      Nagpasiklaban ang walong klase sa pagtatanghal ng kani-kanilang mga dula sa isang inter-batch na paligsahang ginanap noong Disyembre 7, 2006. Napakahirap sabihin kung sino ang magwawagi ng iba’t ibang mga parangal sapagkat ang bawat dula aymay kani-kaniyang fort.

 

      Ayon nga kay G. Dennis Marasigan, ang kasalukuyang Artistic Director ng Tanghalang Pilipino at ang puno ng mga hurado, ikinagulat nila ang palabas ng mga Xaverian. Hindi nila inakalang magiging napakalalim ng pagtalakay nila sa iba’t ibang isyu ng ating lipunan.

 

      Ikinatuwa rin ng iba pang mga hurado ang husay ng mga Xaverian sa kanilang pag-arte at pagganap ng iba’t ibang mga tauhan.

 

      Nagsimula ang programa sa nakatutuwang pagtatanghal ng H4C ng kanilang dulang pinamagatang “Ang Iskulptura” na tungkol sa pagpuna at pagsunod ng mga tao sa lipunan.

 

Sinundan ito ng dula ng H4H na pinamagatang “Kubeta” na tungkol naman sa iba’t ibang salot ng lipunan mula sa iba’t ibang panahon ng ating kasaysayan at nagtatapos sa kasalukuyang panahon sa loob ng isang silid-aralan sa Xavier.

 

      Samantala, isang makatindig-balahibong dula ang ipinamalas ng H4B sa kanilang nakakakilabot na dulang pinamagatang “The Séance” kung saan napakahusay ang pagkakagamit sa mga sangkap panteknikal.

 

      Mula naman sa H4G ang isang napakasimple ngunit napakaepektibong kuwentong siguradong mapupulutan ng magagandang asal mula sa perspektibo ng isang lapis, ang “ Lead Me. ”

 

      Ang “Five People You Meet in Hell” na dula ng H4D ang siyang nagmulat sa mga kasalanan ng mga tao at kung paano maiuugnay ang mga ginawa natin sa kasamaang nangyayari sa ibang tao.

 

      Walang humpay na katuwaan naman ang inihandog ng “One Love” ng H4E sa pagpapakita nila ng pang-aabuso ng mga pulitiko sa isang taong may magandang kalooban.

 

      Ang dulang “Pekeng Pag-asa” ng H4F na umiikot sa isang boxing match ni Manny Pacquiao, ay tungkol sa pagtitiwala ng mga tao sa mga, tulad nga ng sinabi ng pamagat, pekeng pag-asa.

 

      Nagtapos ang programa sa isang nakakapagpabagabag ng damdaming dula mula sa H4A ang “Committed” na tungkol sa isang taong schizophrenic at ang konsepto ng tunay na kaligayan ng tao.

  

      Kung paano nakatutulong o nakahahadlang ang lipunan sa paghubog sa isang estudyante maging men for others ang tema para sa Filipino. Habang ang tema para sa English ay compassion amidst crisis in the society.

 

      Talagang hitik sa talento ang naturang batch sapagkat ang lahat ng dulang ipinakita ay may taglay na lalim at pagkamalikhain.

 

      Sa huli, hindi mga gantimpala at medalya ang pinakamahalagang bagay na maaaring mapulot sa karanasang ito; sa halip, mas matimbang ang mga aral mula sa proseso ng paggawa ng isang yugtong dula at ang pagtutulungan ng bawat miyembro ng klase sa pagbuo ng isang obra maestrang ikararangal nila.

 

 

Go back to the top ^

   






Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.
 

XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site


© 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved.
Terms under which this service is provided to you.
Read our disclaimer. Contact us.
  All external sites will open in a new browser.
Xavier School does not endorse external sites.
    Site Archive