![]() |
|
Calendar
|
HIGHLIGHTS Bagong Kagigiliwan sa PE: Street Dancing at Fitness Martin Lemuel Tee (H2B), Manunulat ng Balita sa Stallion Posted Friday, 30-Jun-2006 11:36 AM
Inilunsad ng Kagawaran ng Physical Education (PE) para sa taong ito ang dalawang bagong PE courses na tiyak na kasasabikan ng lahat: ang Street Dancing at Fitness .
Ayon kay G. Gerard de las Peñas, Pinuno ng Kagawaran ng Athletics, “Ang Street Dancing ay isang ‘free form style’ na uri ng pagsasayaw. Ito ay higit na nakatuon sa pagkatuto ng mga estudyante sa indayog o ritmo.”
Upang higit na ganahan ang mga mag-aaral, si G. Bong Tan, kasapi ng sikat na grupong Maneuvers, ang magsisilbing guro nito.
Noong nakaraang bakasyon, nagsagawa ang Xavier ng mga kurso sa street dancing sa ilalaim ng ‘Get-fit program,’ at napakarami ang lumahok.
Nakita ng Kagawaran ng PE ang hilig ng mga mag-aaral sa pagsasayaw at dahil na rin sa mungkahi ni Fr. Johnny Go, napag-isipan ng kagawaran na ipakilala ang Street Dancing bilang isa sa mga pagpipiliang klase sa PE.
Kabilang na rin ang Gym at Fitness sa mga maaaring salihan para sa PE sa ikalawang semestre. Layunin ng programang ito na makapagbigay ng kursong pangkalusugang akma sa bawat mag-aaral.
Kakulangan sa pasilidad ang tinukoy na sagwil noon; subalit ngayon, hindi na ito magiging hadlang sapagkat matutustusan na ng paaralan ang iba’t ibang kagamitan, sa tulong ng isa sa mga sikat na fitness gym sa bansa.
Maraming paaralan ang humahanga sa mga bala-balaking kursong inihahandog ng Kagawaran ng PE, kaya naman inaasahang higit na kagigiliwan at kasasabikan ng mga Xaverian ang mga naturang programa.
|
|
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |