Search


Calendar
This Month
General

Highlights

Xaverian's Corner


Reflections


Athletics


Communities

Alumni
AAXS


Academics
The Xavier Education
Early Education
Grade School
High School
Admissions

About Xavier
Vis Mis Goals
Brief History
St. Francis Xavier
Kuang Chi
Coat of Arms
School Mascot
School Song
Prayer of SFX
Pledge
Video






  XAVERIAN'S CORNER

Level Up!
G. Alemberg Ang, Puno ng Kagawaran ng Filipino sa Mataas na Paaralan

Posted Friday, 17-Nov-2006 2:57 PM

 

    Pagkatapos panoorin ang dulang Don_Q ng PETA ng ilan sa mga mag-aaral ng ikaapat na taon noong ika-6 ng Oktubre 2006, anim na Xaverian ang sumuong sa hamon ng grupo, ang lumabas bilang mga “Avatar ” sa naturang produksyon.

 

      Sina Julio Datu at Aaron Yang ng High 4D at Emile Tanglao, Niño Sy, Michael Tan at Luis Mercado ng High 4B ang matatapang na nagboluntaryo para maki- extra sa mga pangunahing mandudula. Dala-dala ang kani-kanilang mga sariling costume, inaayusan sila at binigyan ng mga direksyon kung paano magmukha at gumalaw bilang mga Avatar sa dula. Ang iba sa kanila’y pinasayaw, pinakanta at kung anu-ano pa sa pakikihalubilo sa mga artistang nagtatanghal.

 

      Ang Don_Q ay isang dulang hango sa nobela ni Miguel Cervantes na Don Quixote dela Mancha. Subalit bilang tugon sa mga hilig ng kabataan, iniayon nila ang dula sa isang computer role playing game tulad ng Ragnarok. Sa buong dula, tila naglalaro lamang ang mga mandudula kasama ang mga manonood.

 

      Sa kabuuan, makikitang bukod sa nasiyahan ang mga nagsiganap sa kanilang paglabas sa entablado, may kakaibang high silang naramdaman sa pagtatanghal sa harap ng mga taong hindi nila kilala.

 

 

Go back to the top ^

   






Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.
 

XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site


© 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved.
Terms under which this service is provided to you.
Read our disclaimer. Contact us.
  All external sites will open in a new browser.
Xavier School does not endorse external sites.
    Site Archive