![]() |
|
Calendar
|
HIGHLIGHTS
Likas ang Gilas ng Xaverian kaya naman tuwing makalawang taon, ipinagdiriwang ng mataas na paaralan ng Xavier ang Likas Gilas (LXG). Ngayong taong ito kaalinsabay ng Golden Jubilee Week, muling ipagdiriwang ang LXG na muling bubuuin ng samu’t saring mga gawaing tiyak na kapupulutan ng aral at kagigiliwan ng mga mag-aaral.
Simula Nobyembre 28,Martes, hanggang Nobyember 30, Huwebes, magkakaroon ng mga field trips, sari-saring timpalak, at mga kakaibang klase para sa mga iba’t ibang antas. Narito ang mga inaasahang kaganapan sa linggong ito.
Para sa tinatawag na Alternative Class Program, magkakaroon ng mahigit limampung klaseng pagpipilian ang mga mag-aaral sa ikatlo at ikaapat na taon. Para rito, dadayo ang ilang mga Xaveriang dalubhasa sa iba’t ibang asignatura at industriya upang magbahagi ng kanilang kaalaman, karansan at kasanayan sa ating mga mag-aaral. Nariyan din ang iba pang mga panauhing tanyag at ginantimpalaan sa kanilang mga larangan. Alinsunod sa programa ng Guidance Department, magkakaroon ng mga Career Talk, Career Bazaar at Career Trip ang mga mag-aaral kung saan masusulyapan nila ang buhay mula sa perspektibo ng isang taong nagtatrabaho na sa naturang industriya. Inaanyayahan ang mga mag-aaral ng Mataas ng Paaralan na makilahok nang buong husay at buong sigla upang maipakita ang kanilang mga likas na gilas! Sa ganitong paraan, tiyak na nagniningas ang diwa ng Xavier sa puso ng bawat isa. Luceat Lux!
|
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |