Search


Calendar
This Month
General

Highlights

Xaverian's Corner


Reflections


Athletics


Communities

Alumni
AAXS


Academics
The Xavier Education
Early Education
Grade School
High School
Admissions

About Xavier
Vis Mis Goals
Brief History
St. Francis Xavier
Kuang Chi
Coat of Arms
School Mascot
School Song
Prayer of SFX
Pledge
Video






  XAVERIAN'S CORNER

Dinaan sa Lalim
G. Alemberg Ang, Puno ng Kagawaran ng Filipino sa Mataas na Paaralan

Posted Friday, 13-Oct-2006 3:54 PM

 

 

      Sa kauna-unahang pagkakataon, inilunsad ng Kagawaran ng Filipino sa Mataas na Paaralang Xavier ang Timpalak Tanaga bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika mula Agosto 22 hanggang Setyembre 22.

 

      Itinanghal na nagwagi sina Arnold Lau ng H2C (unang gantimpala), Paolo Abrihan ng H4C (ikalawang gantimpala) at Alvin del Rosario ng H4A (ikatlong gantimpala) mula sa higit na isang daang kalahok mula sa apat na taon, karamiha’y mula sa una, ikalawa at ikaapat na taon.

 

      Ginawad din sa sampung mag-aaral ang karangalang banggit: Ken Coseto ng 1D, Trevor Chan at Timothy Fernando ng H2C, Andrew Ang, Engelbert Chua at Charles Tiu ng H4C, Sean Aquilino, Anthony Co at Thompson Tan ng H4D, at Charles Tan ng H4G.

 

      Layunin ng paligsahan ang linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral na suriin ang kanilang lipunan at bigyang kahulugan ang mga ito sa isang malikhaing paraan. Sa ganitong adhikain itinalaga ang tema: “May Pag-asa pa ba ang Pilipinas?”

 

      Sa mga hindi nakaaalam, ang tanaga ay maihahalintulad sa haiku ng mga Hapones kung saan iisa lamang ang saknong. May apat na taludtod na may tigpipitong pantig ang buong tula.

 

      Ang mga nagwagi at ang sampung karangalang banggit ay ipo- post sa XS website sa mga susunod na linggo.

 

 

Go back to the top ^

   






Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.
 

XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site


© 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved.
Terms under which this service is provided to you.
Read our disclaimer. Contact us.
  All external sites will open in a new browser.
Xavier School does not endorse external sites.
    Site Archive