![]() |
|
Calendar
|
XAVERIAN'S
CORNER
Bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang paligsahan sa pagdidisenyo ng bulletin board. May kanya-kanyang tema ang bawat taon na umiinog sa pagsasanib ng sining at lipunan. Layunin ng paligsahan na imulat ang mga mag-aaral sa kanilang tungkulin sa ating lipunan gamit ang visual arts.
Sa temang, “kahusayan sa sariling wika, pagbuo ng sariling pagkakakilanlan” umiinog ang bulletin board ng mga freshmen . Ang mga nagsiwagi ay ang klase ng H1A (unang gantimpala), H1D (ikalawang gantimpala) at H1G (ikatlong gantimpala).
H1A (unang gantimpala)
H1D (ikalawang gantimpala)
H1G (ikatlong gantimpala) Para naman sa ikalawang taon, ang kanilang tema ay “Ang wika ang daluyan ng malalim at matibay na pakikipag-ugnayan sa kapwa.” Ang klase ng H2H (unang gantimpala), H2A (ikalawang gantimpala) at H2D (ikatlong gantimpala) ay ang mga nangungunang klase sa naturang taon.
H2H (unang gantimpala)
H2A (ikalawang gantimpala)
H2D (ikatlong gantimpala)
Pinatutungkulan ng mga klase sa ikatlong taon ang temang, “Wikang Filipino: Kaagapay sa Pag-unlad ng Lipunan.” Ang H3F (unang gantimpala), H3B (ikalawang gantimpala) at H3C (ikatlong gantimpala) ang mga tinanghal na panalo.
H3B (ikalawang gantimpala)
H3C (ikatlong gantimpala) Sa mga senior naman, tinalakay nila ang temang, “pagkamulat sa mga kabalintunaan sa lipunan, tungo sa pagbabago’t kaunlaran.” Pinarangalan ang klase ng H4F (unang gantimpala), H4C (ikalawang gantimpala) at H4H (ikatlong gantimpala) bilang pinakamahusay ng bulletin board sa ikaapat na taon.
H4F (unang gantimpala)
H4C (ikalawang gantimpala)
H4H (ikatlong gantimpala)
Hindi lamang pinahalagahan ng mga lupon ng hurado ang pagtalakay sa tema at pagkamasining ng mga bulletin board. Isinaalang-alang din nila ang kakayahan ng klase na maging malikhain sa paggamit ng mga simple at niresiklong kagamitan. Tila nahirapan sina G. Michael delos Reyes, Bb. Joney Pusta at G. Kenneth Gan sa kanilang pagpili ng mga natatanging display dahil sa kahusayan ng mga Xaverian sa pagdisenyo ng kani-kanilang bulletin board.
|
|
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |