![]() |
|
Calendar
|
COMMUNITIES Karagdagang Aklat-Koleksyon sa Filipiniana Section Gng. Noemi Reyes Katiwala ng Aklatan sa Mataas na Paaralan Posted Monday, 23-Oct-2006 12:49 PM
Isa sa pangunahing layunin ng Learning Resource Center ang matugunan ang mga pangangailangang-pangkaalaman di lamang ng mga mag-aaral kundi, pati na rin ng mga guro. Kaya naman, sa pagpili at pagbili ng mga aklat, ito ang laging isinasaalang-alang.
Ang pinakamaraming aklat na hinihiram at ginagamit sa LRC ay nagmumula sa Filipiniana Section, dahil marahil bilang pagtugon ng mga mag-aaral sa kanilang pananaliksik (research) o sa paggawa ng kanilang gawaing – bahay. Ano nga ba ang Filipiniana Section? Ito ang bahagi ng library kung saan matatagpuan ang mga aklat na sinulat ng mga Pilipinong manunulat na nasusulat sa Filipino o Ingles. Taliwas sa pagkakaalam ng iba sa Filipiniana Section, ito ay di lamang naglalaman ng mga aklat tungkol sa wikang Filipino. Mayroon din itong mga aklat tungkol sa iba’t ibang sangay ng pag-aaral, pangkalahatang interes at ang tinatawag nating coffee table books.
Sa kasalukuyan, ang HS-LRC ay may karagdagang 184 na aklat sa seksyong ito. Ang bilang na ito ay para sa lahat ng gumagamit bukod pa sa mga aklat na para sa mga guro lamang.
Kabilang sa mga bagong aklat natin ay naglalaman ng mga akahahalinang mga paksa tulad ng anting-anting, kuwentong bayan noong panahon ng Hapon, pagkakalikha at paglilipon ng iskrip ng kuwentong-kutsero, diskurso sa wika at lipunan, pag-aaral ng Physics, napapanahong alternatibong medisina-ang coconut oil, peministang pagsusuri sa literature, atbp. Nagpapatunay lamang ito na ang pinapaksa ng ating mga aklat sa Filipiniana Section ay hindi sa iisang aspeto lamang nakapokus.
Ilan sa mga rekomendadong aklat para sa inyong kaalaman at kasiyahan ay ang mga sumusunod:
Kuwentong Kutsero ni Epifanio Matute Anting-Anting 0 Kung Bakit Nagtatago sa Loob ng Bato si Bathala ni Nenita D Pambid Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan, isinaayos ni Pamela C. Constantino Kuwentong Bayan: Noong Panahon ng Hapon, Everyday Life in a Time of War ni Thelma Kintanar Philippine Heritage Architecture before 1521 to the 70’s ni Maria Cristina Valer Turalba Feminist Readings of Philippine Fiction: Critique and Anthology ni Sylvia Mendez Ventura Frontiers of Physics, UPISMED Images of State Power: Essays on Philippine Politics from the Margin ni Patricio Abinales Dangerous Drugs ni Marcelita Magno Bulawan, Journal of Philippine Arts and Culture
Tara na! Ang lahat ay inaanyayahang manghiram ng libro. Bumisita na sa HS-LRC ngayon.
|
|
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |