Search


Calendar
This Month
General

Highlights

Xaverian's Corner


Reflections


Athletics


Communities

Alumni
AAXS


Academics
The Xavier Education
Early Education
Grade School
High School
Admissions

About Xavier
Vis Mis Goals
Brief History
St. Francis Xavier
Kuang Chi
Coat of Arms
School Mascot
School Song
Prayer of SFX
Pledge
Video






 

REFLECTIONS

Pakikinig sa Aking Damdamin
G. Boom Enriquez, Guro sa Kagawaran ng Filipino

Posted Tuesday, 31-Oct-2006 2:16 PM

 

Sinulat ang sanaysay na ito para sa examen period sa mataas na paaralan. Sinimulan ang examen period noong nakaraang taon sa layuning magkaroon ng panahon para pagmunihan ng mga mag-aaral at kaguruan ang kanilang araw. Sa loob ng sampung minuto, hinihingi na tumigil ang lahat at magnilay.

 

Maaaring gamitin ang nasa ibaba sa pansariling examen. Manahimik nang ilang sandali at basahing mabuti ang bawat linya.

 

     

      Ito ang oras sa araw na ito na hinihiling ng Panginoon na makipag-usap tayo sa Kanya. Sa gitna ng ating mga ginagawa, hinihiling Niya na ibaba natin ang ating mga gamit, pinagkakaabalahan at agam-agam. Hinihiling Niya na tayo ay tumahimik nang ilang sandali at makipag-usap.

 

      Muli, ayusin natin ang ating pag-upo at ilagay ang ating mga kamay sa ibabaw ng ating mga mesa.

      Alalahanin natin na tayo ay nasa piling ng Panginoon. Nanatili ang Panginoon sa bawat bagay sa ating paligid. Hinhiling lamang Niya na ramdamin natin siya. Pakinggan. At Siya ang mismong kakausap sa atin.

 

      (+) Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

 

      Hapon na, Panginoon. Kalahating araw na ang dumaan. At ang dami-dami kong naramdaman ngayong araw. Ano nga ba ang aking pakiramdam ngayon?

 

      Pinakikinggan ko ang aking kapaligiran, Panginoon. Ang ihip ng hangin, ang tunog ng pag-ikot ng electric fan , ang musika, ang boses sa PA system , ang ingay sa labas, ang tunog ng mga kotse, ang mga sigaw at paggalaw ng mga tao, ang huni ng mga ibon, ang ingay sa loob ng silid-aralan, ang ingay sa aking sarili, at sa aking puso.

 

      Dinaramdam ko ang aking kapaligiran, Panginoon. Ang init ng araw, ang lamig ng ulan, ang lagkit ng hangin, ang pawis sa aking balat, ang aking sarili.

 

      Hapon na, Panginoon. Kalahating araw na ang dumaan. At ang dami-dami kong naramdaman ngayong araw. Ano nga ba ang aking pakiramdam ngayon?

 

      Pagod? Dahil sa dami ng ginawa ko buong araw? Saya? Dahil sa pakikipagkuwentuhan ko sa aking mga kaibigan? Lungkot? Dahil bumagsak ako sa pagsusulit? Inis? Dahil sa aking guro? Pagmamadali? Dahil gusto ko na lamang tapusin ang araw na ito? Wala lang? Dahil wala naman akong pakialam sa mga nangyayari?

 

      Panginoon, ito ang aking nararamdaman ngayon. Malayung-malayo sa pakiramdam at tamang disposisyon para kausapin Ka. Hindi Kita kayang kausapin dahil sa pakiramdam na ito. Nahihirapan akong mapakinggan Ka, makita, maramdaman.

 

      Inaalay ko ang aking nararamdaman sa Iyo, Panginoon. Itong kapaguran, kaligayahan, kalungkutan, pagkainis, pagmamadali, o pagiging walang pakialam.

 

      Tulungan mo ako, Panginoon, na matutong maramdaman ang aking sarili. At ang pakiramdam kong ito, ay ang aking sarili sa harap Mo. Dahil ang pakiramdam ko, kung anuman ito, ay nagmula sa Iyo, dahil dito Kita nararamdaman, dito Kita kayang mapakinggan, at dito Kita kayang makita.

 

      Sabay-sabay nating dasalin: Itulot Mo Panginoon, na sa bawat araw ng aking buhay ay lubusan kitang makita, higit kitang mahalin at buong lugod kitang sundin. Amen. (+)

 

 

Go back to the top ^

   






Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.
 

XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site


© 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved.
Terms under which this service is provided to you.
Read our disclaimer. Contact us.
  All external sites will open in a new browser.
Xavier School does not endorse external sites.
    Site Archive