![]() |
|
Calendar
|
XAVERIAN"S
CORNER
Setyembre 20—isang natatanging araw para sa mga senior,
dahil sa mga inihandang gawain ng mga Kagawaran ng Filipino at Ingles
para sa kanila: isang play production workshop
Maraming mag-aaral ang tumanaw rito bilang pagkakataong magpahinga mula sa linggong punung-puno ng mga pagsubok at gawain. Marami ring nag-akalang isa itong karaniwang talk. Laking gulat lang nila nang matuklasan nilang nagkamali sila sa kanilang mga hinala.
Taliwas sa inakala ng mga mag-aaral , naging napakasigla ng acting workshop sapagkat hindi lamang pag-iisip ang kanilang ginamit kundi maging ang kanilang katawan at boses – ang tatlong salik sa pag-aarte, ayon sa librong Poetics ni Aristotle.
Ayon sa mga acting coach, mahalaga ang pagsasagawa ng workshop sapagkat sa pamamagitan nito, naipapakita ang pagkamalikhain ng aktor. Sa katunayan, marami ang nagpakitang gilas at kahusayan sa pag-aarte.
Sa lalong ikalulugod ng mga estudyante ang teatro, ipinanood sa kanila ang dalawang dulang itinanghal ng pangkat panteatrong Tanghalang Pilipino.
Nagsimula ang dulaan sa isang monologong pinamagatang Welcome
to Intelstar na tungkol sa isang call center trainor na
sa harap ng kanyang masayang katayuan, siya’y tunay
Pinamagatang Pragres ang ikalawang dula na batay sa maikling kuwento na isinulat ni F. Sionil Jose, isang National Artist for Literature . Ang dulang ito ay tungkol sa mga kabalintunaang nagaganap sa “New Society” ng dating Pangulong Ferdinand Marcos. Napahanga ang mga Xaverian nang matuklasan nilang mga estudyante lamang na mula sa Philippine High School for the Arts ang mga lumikha at nagtanghal ng naturang dula.
Matapos ang isang araw ng pakikilahok sa play production
workshop at panonood ng dulang Filipino, hindi maipagkakaila na
napakaraming natutunan ng mga mag-aaral hindi
Bunga ng naturang workshop at mga dula, masasabing tunay na handang-handa nang sumuong ang mga mag-aaral sa mundo ng teatrong Pilipino.
|
|
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |