![]() |
|
Calendar
|
XAVERIAN'S
CORNER
Isang namumukod-tanging bahagi ng pagdiriwang sa Buwan ng Wika ang paligsahan sa Dulaang Panradyo, na ginanap noong ika-29 ng Agosto.
Pumalibot sa temang kawalan ng katarungan sa ating lipunan
ang mga kwentong isinulat mismo ng mga mag-aaral sa ikatlong taon.
Ilang linggo bago pa ang patimpalak, lumikha na ng mga kwento ang mga mag-aaral sa kani-kanilang klase sa asignaturang Filipino. Halos isang buwan din ang ginawang paghahanda ng mga mag-aaral simula nang magsulat sila ng kwento, hanggang sa pumili ang bawat klase ng kanilang kinatawan para isasadula sa araw ng paligsahan.
Dumating na ang araw ng paligsahan—ang araw na matagal nang inaantabayanan, ang palatuntuning tunay na kinasasabikan.
Nang ibinigay na ang hudyat ng pagsisimula nina Carlo Roman at Peterson Poon ng 3A, ang mga tumayong host sa araw na iyon, isa-isang nagpakitang-gilas ang bawat klase sa entablado at ipinakita ang kani-kaniyang galing at talento sa pagpapatingkad ng kwento sa pamamagitan ng kanilang boses at makukulay na sound effects.
Matapos ang lahat ng pagtatanghal, ginawad ng mga inampalan
ang Unang Gantimpala
Hindi rin naman magpapahuli ang H3B sa mga natanggap nilang parangal: Ikalawang Gantimpala at Pinakamahusay na Pangkat ng Gumanap.
Syempre pa, hindi magpapatalo ang H3F sa nakuha nilang Ikatlong Gantimpala, kasama ng Pinakamahusay na Iskrip na pinamagatang Junior na kinatha ni Jake Ejercito.
Sina Gng. Ivy Enaje ng Kagawarang Filipino, G. EJ Legaspi, moderator ng Stage FX, at Bb. Aimee Apolinario, ang pangalawang punong guro, ang mga nagsilbing hurado para sa naturang patimpalak.
Masasabing isang tagumpay ang naturang palatuntunin dahil sa ilang linggong puspusang paghahanda at walang humpay na pagsisikap ng mga mag-aaral at guro sa Kagawaran ng Filipino para sa araw na iyon.
Samakatuwid, ang tagumpay na taglay ng naturang dulaan ang testamento sa kahusayan at pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa ikatlong taon.
|
|
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |