![]() |
|
Calendar
|
XAVERIAN'S
CORNER
Ang mga sumusunod na komposisyon ay isinulat ng mga mag-aaral sa ika-pitong baitang bilang bahagi ng kanilang gawain sa klase sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Ang Wika ng mga Mamamayang Pilipino Eries Chan (G7G) Filipino ang wika ng mga mamamayang Pilipino. Ito ay sinimulan ni Manuel L. Quezon, ang ama ng wikang pambansa. Ang paggamit ng wikang pambansa ay nagangahulugang mayroon kang pagmamahal sa iyong bansa at kaya mo itong ipagmalaki. Maraming uri ng wika ang bansa bukod sa Filipino. Kabilng ditto ang Bisaya, Ilocano at iba pa. Bilang mga mamamayang Pilipino, gamitin natin an gating pambasang wika at ating ipagmalaki na mayroon tayo nito dahil ito ay nakatutulong sa pagpapaunlad n gating bansa. Mas magkakaintindihan tayong lahaat kung ating pagbubutihin ang ating pagsasalita ng wikang Filipino. Maraming mga Pilipino ang nagmamahal sa ating wika at bansa gaya ni Jose Rizal na lumaban para sa ating kalayaan. Sa nakikita ko, kailangan nating magbigay pugay para sa mga taong may pagmamahal sa kanilang wika dahil kung walang taon marunong na magmahal sa kanyang wika, walang magyayari sa atin at hindi tayo makakaahon sa ating kinalalagyan. Ang pagmamahal sa wika ay tunay ngang kailangan ng mga mamamayan ng isang bansa.
Wikang Dapat Gamitin at Ipagmalaki Jose Ferrer (G7G)
Maraming mga wika ang ginagamit ng mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Ang mga halimbawa nito ay Ilokano, Bikolano, Waray at marami pang ibang mga wika. Pero may isang wikang dapat alam, ginagamit at ipinagmamalaki ng lahat ng mga mamamayan sa Pilipinas. Ito ay ang Filipino. Dapat nating pahalagahan ang lahat ng mga wika lalo na ang Filipino, ang ating Pamabansang Wika. Si Manuel L. Quezon, isang dating pangulo ng Pilipinas ay kilala bilang Ama ng Wikang Pambansa dahil ginawa niyang Filipino ang pambansang wika. Ito ay para magkaintindihan tayong lahat. Kung tayo ay magkakaintindihan, an gating bansa ay uunlad. Tingnan mo ang bansang Hapon, hindi nila masyadong pinag-aaralan ang wika ng ibang bansa kaya sila maunlad. Makikita natin na talagang kailangan ang wikang pambansa. Dahil ito’y mahalaga, dapat nating ipagmalaki at gamitin ito sa iba’t ibang paraan. Bilang mga Pilipino, dapat gamitin ang Filipino tuwing ika’y makikipag-usap sa iba. Pangalawa, dapat mag-aral nang mabuti sa klaseng Filipino. Panghuli, dapat basahin ang mga gawaing isinulat sa Filipino. Dito, hindi masasayang ang pambansang wika. Ipainapakita mo na ikaw ay isang tunay na Pilipino. Ngunit napansin kong hindi ito isinasagawa ng lahat ng mga Pilipino. Halimbawa, minsan hinahalo ng iba ang Ingles at Filipino sa isang pangungusap. Maraming mga Pilipino rin ang nagsasabi ng masasamang salita. Isa pa ay ang pagiging tamad at pag-ayaw sa pag-aaral ng Filipino. Pero hindi naman lahat ay ayaw ng Filipino. May mga sumusulat magagandang kwento at tula sa Filipino. Mayroon ding nag-aaral na mabuti ng Filipino. Talagang dapat itong pagyamanin at pahalagahan. Ito ang payo ko “Bigyan ang Filipino ng halaga dahil ito ay kailangan talaga.”
|
|
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |