![]() |
|
Calendar
|
XAVERIAN'S
CORNER
Ang mga sumusunod na komposisyon ay isinulat ng mga mag-aaral sa ika-pitong baitang bilang bahagi ng kanilang gawain sa klase sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Ipagdiwang Ang Mga Wika sa Pilipinas! Bryan Tan (7B) Kailan mo naisip ang kahalagahan ng mga wika dito sa Pilipinas? Tuwing Agosto lang ba? Ginagamit mo ba ang mga wikang ito ng umunlad ang Pilipinas o ginagamit mo ito sa masasamang bagay? Tinatangkilik mo ba ito o ibinabasura mo lang? Iyan ang mga tanong na madalas na bumabagabag sa akin. Pero importante ba talaga ang mga wika sa Pilipinas? Kung ako ang iyong tatanungin, napakahalaga ng wika natin dito sa Pilipinas dahil ang isang bansa ay uunlad lamang sa sarili nitong wika. Hindi totoo ang sabi ng iba kong kaklase na ang wikang Ingles ang mas importante kaysa sa wikang ating ginagamit. Totoo na importante ang Ingles pero isipin mo na lang ang pagkarami-raming Pilipino na di-marunong mag-Ingles. Paano na kung mapadpad ka sa ibang lugar sa Pilipinas ngunit di ka marunong kahit man lang ang wikang Filipino? Ganyan kaimportante ang mga wika natin. Ang ibig sabihin ng tema na “Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay Buwan ng mga Wika”” ay nagsasabing hindi lang ang Wikang Filipino ang ipinagdiriwang tuwing Agosto kundi pati rin ang ibang mga wika o dyalekto rito sa Pilipinas. Mga halimbawa nito ay Tagalog, Bisaya, Kapampangan at iba pa. Ibig sabihin din nito na hindi lamang ang Filipino ang tinatangkilik natin kundi ang iba pa nating wika sa Pilipinas. Nangangahulugan din ito na huwag nating ikahiya ang ating mga wika. Dapat pa nga natin itong ipagmalaki.
Ang Buwan ng Wikang Pambansa Alphonse Uy (7H) Bago ang lahat, ano ba ang wikang pambansa? Naisip na ba ninyo kung ano ito? Para sa akin, ang wikang pambansa ang wika ng iyong sinapupunan. Ito ay importante sa lahat ng mamamayang Pilipino dahil ito ang wikang ginagamit nila sa kanilang pang-araw-araw na pagsasalita. Maraming gamit ang wikang Filipino. Hindi lang natin alam na mayroon pala itong kahalagahan. Tuwing Buwan ng Agosto, ipinagdiriwang na mga mamamamayang Pilipino ang Buwan ng Wikang Pambansa. Sa opinyon ko, ito ay isang paraan ng pagpapakita ng mamamayang Pilipino ng respeto at pagmamahal sa sariling wika. Ito ay maipakikita sa iba’t ibang lugar katulad ng Paaralang Xavier. Tuwing Buwan ng Agosto, naghahanda ang paaralang ito ng mga gawain para sa mga mag-aaral nito. Isa na rito ay paligsahan sa pagsulat ng sanaysay ukol sa Buwan ng Wika. Hindi lamang ang Paaralang Xavier ang nagpapakita ng pagmamahal sa sariling wika. Maraming tao rin sa iba’t ibang lugar ng ating bansa ang nagpapahalaga sa wikang Filipino. Ako ay natutuwa dahil kahit paano ay nakikita ko ang pagmamahal at respeto ng mga mamamayang Pilipino kahit na nagkakaroon ng pag-aaway at gulo paminsan-minsan. Gusto ko lang sanang magyo sa mga mambabasa na matuto tayong lahat na ipagmalaki an gating pambansang wika. Kahit nasaan ka man sa mundo, huwag nating ikahiya an gating wika. Sa tigin ko, basta ikaw ay Pilipino, dapat making matuto ng sariling wika. Ang sabi nga ni Jose Rizal, “ Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang mabaho at malansang isda.”
|
|
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |