Search


Calendar
This Month
General

Highlights

Xaverian's Corner


Reflections


Athletics


Communities

Alumni
AAXS


Academics
The Xavier Education
Early Education
Grade School
High School
Admissions

About Xavier
Vis Mis Goals
Brief History
St. Francis Xavier
Kuang Chi
Coat of Arms
School Mascot
School Song
Prayer of SFX
Pledge
Video






 

HIGHLIGHTS

  

Tuluy-tuloy pa rin!

Martin Lemuel Tee (H2B)



Posted Wednesday, 03-Jan-2007 10:01 AM

     Nariyan na’t may dalang lamig ang simoy ng hangin. Nariyan na’t nagsipagsulputan ang tindero’t tindera ng mga parol sa may kahabaan ng Ortigas. Nariyan na ring papalapit ang bakasyong inaabang-abangan ng mga estudyante. IIsa lamang ang sinasabi nito: Paskong-pasko na nga!

     Upang higit na maunawaan ang tunay na diwa ng kapaskuhan, narito ang ilan sa mga programang inihanda ng Christmas Drive Committee para sa mga mag-aaral:

 

MRX

     Kumpleto na ang top 10 na Most Requested in Xavier o MRX. Pasok rito sina G. Asis, Bb. Ching, G. Claro, G. Gan, G. Hernando, Bb. Lai, Bb. Magallona, G. Mendoza, G. Munsayac at Bb. Natonton.

     Para sa taong ito, kakaibang pagtatanghal ang masasaksihan ng lahat para sa Christmas Program sa darating na ika-15 ng Disyembre. Bukod sa mga karaniwang kanta at dance number, naghahanda rin ang komite na makabuo ng isang maikling dula na mala-High School Musical ang dating! Tampok dito di lamang ang mga guro kundi maging iba pang mga kawani ng Xavier.

     Ayon kay G. Legaspi ng MRX committee, nais niyang maging interactive, masaya at kawili-wili ang naturang pagtatanghal. Dagdag pa niya na ang sadya ng programang ito ay makatulong sa Christmas fund at magkaroon ng bagong pagtingin at pagrespeto sa mga guro sapagkat tulad nating lahat, sila rin ay mga ordinaryong taong marunong maglibang at magsaya.

 

Dedication Parols

     Kung tataludturin ninyo ang mga pasilyo ng HS building, mapapansin ninyo ang mga naggagandahan at makukulay na parol na nakasabit sa labas ng mga silid-aralan. Dedication Parols ang mga ito. Sa halagang P40, di ka lamang makatutulong sa mga kapus-palad, magagawa mo ring batiin ang iyong mga kaklase, guro o kaibigan ng isang “Merry Christmas!” o kahit anumang nais mong sabihin.

     Ayon nga kay Bb. Catahan ng Dedication Parols Committee, “two-way” ang pagbili ng mga parols. Nakatulong ka na, nakabati ka pa!

 

Sorting

     Kung napadaan naman kayo sa may HS gym, marahil tumambad sa inyong mga mata ang kahon-kahong mga kagamitang nakatambak sa badminton court. Dito kasi ngayon idinaraos ang taunang pag-uuri o pagbubukod ng mga pinagkaloob na mga damit, sapatos, laruan, aklat atbp. na siyang ibebenta sa ukay-ukay, Ang kikitain dito ang siya namang ilalaan sa Christmas fund.

     Inaasahang sa mga susunod na araw, dadami pang mag-aaral ang kusang loob na tutugon sa panawagan nitong maging men for others. Bukod kasi sa pagtulong sa kapwa, hangad din ng programang maitaguyod ang diwa ng pagbabahagi di lamang ng mga materyal na bagay kundi maging ng sarili.

     Sa tulong ng mga programang ito, nawa’y maging mas makabuluhan ang Pasko para sa atin at para sa ating mga kapus-palad na kapwa. Sapagkat ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi mahahanap sa mga regalo, ito’y mararamdaman sa buong-pusong pag-aalay ng sarili.

     Sa dami ng mga bumoto sa MRX, tumulong sa pag-sort at bumili ng parol, pinatulnayan na namang dito sa Xavier, tuloy na tuloy pa rin ang Pasko!

 

 

 

Go back to the top ^

   






Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.
 

XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site


© 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved.
Terms under which this service is provided to you.
Read our disclaimer. Contact us.
  All external sites will open in a new browser.
Xavier School does not endorse external sites.
    Site Archive