![]() |
|
Calendar
|
MAGIS Sampung Taong Singkad Gng. Liza Bacuyag, Guro sa Filipino ng Ikalawang Baitang Posted Thursday 25-Aug-2005 10:00 AM Sa Paaralang Xavier, ako ay napadpad Munting kaalaman, sandatang tanging hawak Subalit nang lumaon, karunungnan ay lumawak Sa tulong ng mga taong, puso ay busilak Sampung taong singkad, di matatawaran Mga karanasang di malilimutan Mga kaibigang nagpatawa't nagpaiyak Sa puso ko't isipan, nagdulot ng galak Paaralang Xavier, pangalawang tahanan Ng isang tulad kong bukas ang isipan Isang pangako ang aking bibitiwan Maglilingkod ako ng buong katapatan
Si Gng. Liza Bacuyag ay sampung taon ng nagtuturo ng Filipino sa Ikalawang Baitang. Ang mga kaibigan at kaguro niya sa komunidad ng Paaralang Xavier ay tinuturing niyang pangalawang pamilya. |
|
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |