Search


Calendar
This Month
General

Highlights

Xaverian's Corner


Reflections


Athletics


Communities

Alumni
AAXS


Academics
The Xavier Education
Early Education
Grade School
High School
Admissions

About Xavier
Vis Mis Goals
Brief History
St. Francis Xavier
Kuang Chi
Coat of Arms
School Mascot
School Song
Prayer of SFX
Pledge
Video






  MAGIS

On-Line Vertical File (OLVF) na Tayo
Gng. Noemi Reyes, HS ITC librarian

Posted Wednesday, 03-Aug-2005 1:21 PM

 

      Gusto n’yo bang mapadali ang paghanap sa kinakailangan ninyong paksa para sa research paper n’yo? Hindi na kinakailangang halungkatin pa ang mga lumang pahayagan para rito. Sangguniin ang On – Line Vertical File (OLVF) at … Presto! Matutugunan na ang iyong hinahanap.

      Isa sa malaking hakbang tungo sa pagbabago ng ITC upang matugunan ang pangangailangan ng mga guro at mga mag-aaral ay ang pagpapakilala at paggamit ng OLVF sa DVD format. Sa pamamgitan ng programang ito, mapadadali ang inyong paghahanap sa paksang inyong kailangan. Binubuo ito ng buong pahayagan, ang Philippine Star , na maaaring pagkunan ng hinahanap ninyong impormasyon. Bukod sa nakuha na ninyo ang impormasyon, maaari pa itong ipa- print para sa inyong personal na pangangailangan.

      Ngayon, hindi n’yo na kailangang marumihan pa sa paghagilap ng mga lumang dyaryo. Hindi n’yo na rin nakababagutan ang pag-isa-isa sa mga artikulo’t babasahin sa karamihan ay wala naman palang kinalaman sa inyong sinasaliksik. Di n’yo na rin mararanasan ang paggugol ng maraming oras sa paghahanap ng mga sangguniang wala naman pala sa lumang vertical file. Sa pamamagitan ng OLVF mas tiyakan at mas komprehensibo na ang inyong pagsasaliksik ng mga impormasyon.

      Tapos na ang pagbasa sa mga paksang ginupit-dinikit sa bond paper, buksan lang ang computer at gamitin ang On-Line Vertical File.

      O, mag-o- OLVF na ba kayo?

 

 

Go back to the top ^

   






Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.
 

XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site


© 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved.
Terms under which this service is provided to you.
Read our disclaimer. Contact us.
  All external sites will open in a new browser.
Xavier School does not endorse external sites.
    Site Archive