Search


Calendar
This Month
General

Highlights

Xaverian's Corner


Reflections


Athletics


Communities

Alumni
AAXS


Academics
The Xavier Education
Early Education
Grade School
High School
Admissions

About Xavier
Vis Mis Goals
Brief History
St. Francis Xavier
Kuang Chi
Coat of Arms
School Mascot
School Song
Prayer of SFX
Pledge
Video






 

COMMUNITIES

What a guy, Fr. Guy!
Delson Balance, Assistant ng CMSO Coordinator

Posted Wednesday, 03-Aug-2005 1:21 PM

 

      Si Fr. Guy Guibelondo SJ ay ang bagong Campus Minister ng Paaralang Xavier. Marahil karamihan sa ating komunidad ay hindi siya lubusang kilala sapagkat halos tatlong buwan pa lamang siya rito. Sa unang tingin, aakalain ng marami na siya ay istrikto at napakaseryoso, subalit kapag siya’y lubos ninyong makilala, ang inyong masasabi na lamang ay, “Wow! Ibang klaseng tao ‘to! What a Guy!

      Sa iksi ng aming pagkakilala, masasabi ko na walang pag-aalinlangan na napakasipag, napakabait at napaka-“kalog” ni Fr. Guy. Unang tapak pa lamang ni Fr. Guy sa paaralang Xavier ay sadyang trabaho na kaagad ang kanyang pinagkaabalahan. Isa na rito ang pakikipagkapwa-tao sa iba’t ibang personalidad sa ating komunidad lalo na sa Campus Ministry & Service Office (CMSO). Sa unang pagkakataon na siya ay ipinakilala sa amin sa grade school CMSO, ako’y nag-alinlangan sapagkat akala ko’y napakatapang niyang pari, animo’y mayroon siyang kakaibang “aura” ng kabagsikan. Ngunit pagkatapos naming mag-usap at magkuwentuhan, isang malalim, nakatutuwa at palabirong pari ang aking nakilala. Para sa akin, siya ay naging bagong guro ko at kaagapay sa mga samu’t saring gawain.

      Ikinuwento niya sa amin na siya’y ipinanganak sa Davao City at pumasok siya sa Kapisanan noong 1989 at naging ganap na pari noong 1999. Siya rin ay ipinadala sa isang isla o tinatawag niya ngayong “The Island” sa Olutanga, Zamboanga Sibugay Province na 14 kilometro lamang ang haba. Ito ay mararating sa pamamagitan ng pagsakay ng bangka (anim na oras ang biyahe). Sa umpisa, siya ay naging Kuro Paroko ng San Miguel Parish at kalaunan ay naging direktor ng Xavier School, hindi rito sa Greenhills pero sa Zamboanga Sibugay.

      Namuno siya sa Xavier High School ng anim na taon. Subalit hindi lamang pagiging direktor ang ginampanan niyang trabaho; siya rin ang Prefect of Discipline (parang si Mr. Gel Domingo ng ODS), siya rin ang Treasurer (ala Mr. Fred Tiu), ang Janitor (one-man Diar’s Services), ang Electrician, (parang taga-PPO), ang Computer Technician (parang sa ITS natin) at iba pa. Hindi ko lubos maisip kung paano niya hinahati ang kanyang sarili upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng paaralang kanyang taus-pusong pinaglingkuran.

      Grabe pala ang trabaho o mga trabahong doon ni Fr. Guy sa Xavier High School na kung saan mayroong lamang 12 mga guro at 400 na mga mag-aaral at limampung porsiyento nito ay mga iskolar. Ibang Xavier ang pinagmulan ni Fr. Guy. Doon limitado ang resources at maituturing na pang masa at middle class na paaralan. Malayung-malayo sa laki at dami ng resources kumpara sa ating paaralang dito sa Greenhills na kung saan mayroong 287 na mga guro at 4145 na mga mag-aaral at hindi pa rito kasama ang ibang mga miyembro o staff ng buong Xavier School.

      Tinanong ko si Fr. Guy kung paano siya pumupunta sa “The Island”, ang sabi niya ay, “Motor—ferry—lakad!” Marami rin daw matutunan sa isla, sa ar aw-araw na pakikipagkapwa-tao; sa simpleng takbo ng buhay ; at sa mga simpleng kasiyahan ng mga tao roon. Kung baga, ang baon o allowance dito ng mga Xaverian sa grade school na pang-isang linggo, pampaaral na o pambayad na ng tuition ng isang bata sa buong taon sa Xavier High School sa isla. “You’ll learn to survive,” ang sabi rin ni Fr. Guy habang inilalahad ang kanyang mga karanasan sa Zamboanga Sibugay. Dagdag pa ni Fr. Guy na ibang mundo ang nilakaran niya sa isla at ibang iba raw rito sa Xavier School, Greenhills. “Nandito ang resources, nakakalungkot pero yun ang challenge na hopefully paglaki ng mga bata (Xaverians), makatulong, reach out and be truly men for others.” At ngayon, dito nga siya napadpad sa bagong isla ng Metro Manila, upang ibahagi sa atin ang kanyang talino, karanasan at buhay. Bitbit ni Fr. Guy ang mga kakaibang mga karanasan at mga bungang isip mula sa pananatili sa Olutanga patungo sa mga bagong hamon ng buhay dito sa Xavier School.

      Sa mga nasabi tungkol kay Fr. Guy, marahil ito’y pahapyaw pa lamang at marami pang malalaman tungkol sa kanya sapagkat sa bawat pagkikita, pakikipag-usap at pakikisama sa kanya, mayroong natatanging kasiyahan at mayroong mga matututunan mula sa kanya at sana’y lubos pa siyang makilala ng buong komunidad ng paaralang Xavier.

      Ano pa nga ba ang masasabi tungkol sa kanya kundi, “What a Guy! Si Fr. Guy, S.J.!”

 

Si G. Balance (Batch 97) ay nagturo ng Language sa ika 5 at 6 na baitang bago naging assistant ni G. Alen Silvano sa CMSO. Siya ay hinirang na Outstanding Rookie Teacher para sa school year 2004 - 2005.

New Guy On The Block

PROFILE of Fr. Guy Guibelondo, S.J.

 

Go back to the top ^

   






Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.
 

XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site


© 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved.
Terms under which this service is provided to you.
Read our disclaimer. Contact us.
  All external sites will open in a new browser.
Xavier School does not endorse external sites.
    Site Archive