![]() |
|
Calendar
|
HIGHLIGHTS
Batid ang husay at talino ng mga senior
sa kanilang malikhaing pagtanghal ng kani-kanilang mga dula sa katatapos
pa lamang ng Paligsahan sa Isang Yugtong Dula sa Filipino.
Noong Miyerkules, Disyembre 7, 2005 nagtagisan sa pagsasadula ang mga senior sa taunang Isang Yugtong Dula na ginanap sa Lecture Hall mula 1:00 hanggang 5:30 ng hapon.
Isa-isang nagsipagtanghal ang mga seksyon gamit ang iba’t
ibang mga estilong
Hinakot ng dulang “Kayo Ang…” ng H4C ang karamihan sa mga parangal sa naturang patimpalak.
“Masayang panoorin ang lahat ng mga dula at makitang nagamit (ng mga mag-aaral) ang kanilang mga natutunan mula sa ibinigay na Play Production Workshop dati. Lalong napatingkad ang iba’t ibang mahahalagang temang tinalakay ng kanilang mga dula,” wika ni G. Harris Guevarra, tagapagsalita ng patimpalak at guro sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Xavier.
Kasama sa mga napanalunang mga premyo ng H4C ang
Unang Gantimpala, Pinakamahusay na Iskrip na isinulat ni Justin Chua,
Natamo naman ng dulang “Buhay ni Simoun” ng H4D ang Ikalawang Gantimpala. Gayon din, naparangalan si Harvey King ng karangalang Pinakamahusay sa Pag-arte ng Pangunahing Aktor sa kanyang pagganap bilang Simoun.
Hindi magpapahuli ang dula ng H4E,
Naparangalan naman ang dula ng H4A , “Ang Huling Biyahe,” ng Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon samantalang iginawad ang karangalang Pinakamahusay na Pumapangalawang Aktor kay Walther Hontiveros .
Napunta ang Pinakamahusay na Lupon ng mga Nagsiganap o Best Ensemble Acting sa dula ng H4I, “Sulyap sa Rehas.”
Kasama sa mga lupon ng mga hurado sina Bb. Aimee Apolinario, Punong Inampalan, G. Jethro Tenorio at si Bb. Hazel Balignasa.
Si Bb. Apolinario ang kasalukuyang Pangalawang Punong Guro ng Academics sa Mataas na Paaralan. Samantala, dating kasapi sina G. Jethro Tenorio at Bb. Hazel Balignasa sa Entablado, isang tanyag na pangkat panteatro sa Pamantasan ng Ateneo. Kasalukuyang guro sa Filipino si G. Tenorio at namamahala sa marketing naman ng Philippine Educational Theater Association (PETA) si Bb. Balignasa. Click here to watch Filipino One Act Play Clips Click here to watch Hiblang Abo clips
|
|
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |