Search


Calendar
This Month
General

Highlights

Xaverian's Corner


Reflections


Athletics


Communities

Alumni
AAXS


Academics
The Xavier Education
Early Education
Grade School
High School
Admissions

About Xavier
Vis Mis Goals
Brief History
St. Francis Xavier
Kuang Chi
Coat of Arms
School Mascot
School Song
Prayer of SFX
Pledge
Video






 

HIGHLIGHTS

Play Production Workshop

para sa mga H4
Brian Ong (H4B), Tagapagbalitang Patnugot ng Stallion

Posted Wednesday, 23-Nov-2005 8:08 AM

      Isinabak ang mga mag-aaral ng ikaapat na taon sa isang Play Production Workshop na ibinigay ni G. Roli Inocencio ng pangkat panteatro – Ang Filipino Mobile Theatre – noong Miyerkules, Nobyembre 16, 2005.

 

      Tinalakay ng panauhing tagapagsalita ang kalakaran sa teatro, ang iba’t ibang bahagi ng entablado at kung anu-ano ang kabilang sa stage production ng isang dula.

 

      Nagbigay rin siya ng ilang mga ensayo sa pag-arte at mga payo kung paano mas mapagaganda ang mga dula ng bawat pangkat.

 

      Itinanghal naman ng Ang Filipino Mobile Theatre ang dulang Hiblang Abo na isinulat ng batikang manunulat na si Rene O. Villanueva.

 

      Ilan sa mga kilalang aktor na gumanap sa dula ay sina Lou Veloso, Sherry Lara, Bodjie Pascua at Archie Adamos na isa palang Xaverian.

 

      Nagkaroon din ng pagkakataong makapagtanong sa isang open forum ang mga mag-aaral pagkatapos ng pagtatanghal.

 

      Inihanda ng mga kagawarang Filipino at Ingles ang naturang workshop at ang pag-iimbita sa pangkat panteatro upang matulungan ang mga senior sa pagbuo ng kani-kanilang mga isang yugtong dula sa dalawang asignaturang nabanggit.

 

      Pinamumunuan ng kilalang aktor sa entablado at sa sine na si G. Ronnie Lazaro ang nasabing pangkat.

 

 

Go back to the top ^

   






Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.
 

XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site


© 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved.
Terms under which this service is provided to you.
Read our disclaimer. Contact us.
  All external sites will open in a new browser.
Xavier School does not endorse external sites.
    Site Archive