![]() |
|
Calendar
|
COMMUNITIES Mga Ehemplo ng Katapatan Bb. Aimee Apolinario, Punong Patnugot ng Web sa Mataas na Paaralan Posted Thursday, 06-Oct-2005 10:03 AM
Binigyang parangal noong Setyembre 27, 2005, sina G. Erjun Moran at G. Jerry Odi, kapwa kabilang sa mga empleyado ng Diar’s na naka-aasign dito sa Xavier. Ang dalawang ginoong ito ay nagsilbing mga mabuting huwaran ng katapatan at integridad nitong mga nakaraang buwan. Dahil na rin sa kabutihang kanilang nagawa, karapat-dapat lamang na mas makilala sila ng ating komunidad.
Si G. Erjun Moran ay may limang taon nang nagtratrabaho sa
Diar’s. Si G. Jerry Odi naman ay bago pa lamang sa kanyang trabaho. Sa katotohanan, mga dalawang buwan pa lamang siya dito sa Xavier, na siya ring kauna-unahan niyang assignment .
Kapwa wala pang sariling pamilya sina Erjun at Jerry, subalit
malaki ang kanilang responsibilidad sa pagtataguyod ng kani-kanilang mga
magulang at Ano nga ba ang kwento sa likod ng sertipikong ibinigay sa kanila? Sa magkahiwalay na pagkakataon, kapwa silang nakapulot ng pitaka sa High School Canteen kung saan sila naglilinis pagkatapos ng break. Noong Agosto, napansin ni Erjun na may isang estudyanteng nagmamadaling naglipit ng gamit nang tumunog ang hudyat sa pagtatapos ng break. Habang naglilinis sa extension canteen, nakita niya ang pitaka. Sa isang maikling panayam, sinabi niya na ang unang pumasok sa isip niya ang pumunta sa ODS para isauli ang pitaka. Samantala nitong Setyembre lamang, si Jerry naman ang nakapulot ng pitaka sa main canteen habang nagpupunas siya ng lamesa. Ni hindi na niya binuksan pa ang pitaka. Agad din niya itong isinauli sa supervisor na naroon. Tunay na karapat-dapat na parangalan ang mga taong tulad nina Erjun at Jerry na parehong nag-iwan ng munting mensaheng pabaon para sa ating lahat, “Sana magsauli din sila ng hindi sa kanila…Pag hindi sa ‘yo, isauli natin.” Saludo ang buong Xavier Community sa inyong katapatan! Naaayon at Napapanahong Parangal Bb. Aimee Apolinario, Punong Patnugot ng Web sa Mataas na Paaralan Mrs. Jane Cacacho, HS Principal
|
|
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |