Search


Calendar
This Month
General

Highlights

Xaverian's Corner


Reflections


Athletics


Communities

Alumni
AAXS


Academics
The Xavier Education
Early Education
Grade School
High School
Admissions

About Xavier
Vis Mis Goals
Brief History
St. Francis Xavier
Kuang Chi
Coat of Arms
School Mascot
School Song
Prayer of SFX
Pledge
Video






 

HIGHLIGHTS

Naaayon at Napapanahong Parangal
Bb. Aimee Apolinario, Patnugot sa Web ng Mataas na Paaralan

Posted Wednesday, 05-Oct-2005 2:38 PM

 

      Noong nakaraang Setyembre 27, 2005, pinarangalan ng Punong Guro ng Mataas na Paaralan, Gng. Jane Cacacho, ang ilang mga natatanging estudyante at ilang mga kasapi ng pamayananang Xavier.

      Sa maikling general assembly noong araw na iyon, unang binigyang pugay ang mga mag-aaral na kasapi ng komiteng nagsaayos ng mga programa at gawain para sa Appreciation Day. Espesyal na binanggit ang pangalan ni Brian Ong (H4B), pinuno ng nasabing komite dahil na rin sa tagumpay na tinamo ng proyekto.

      Bukod sa komite, ipinadama rin ni Gng. Cacacho ang lubos na pasasalamat ng mga guro sa mga estudyante. Gayun din, ipinaabot niya ang paghanga ng mga miyembro ng komunidad sa mga mag-aaral na kusang-loob na nakibahagi sa “Switch” kung saan ang mga estudyante ang tumayong guro sa loob ng unang tatlong klase noong Septyember 23. Bagamat hindi nabanggit ang pangalan ng lahat ng mga gurong estudyante, nakatanggap ang mga ito ng Certificate of Appreciation mula sa Opisina ng Punong Guro.

      Nagbahagi rin si Gng. Cacacho ng ilang mga bagay ukol sa katatapos lamang na Appreciation Day.

      Pagkatapos nito, tatlong natatanging ginoo ang tinawag sa harapan upang maparangalan dahil sa kanilang mga kabayanihan. Sina G. Erjun Moran and G. Jerry Odi, kapwa kasapi ng Diar’s, at si G. Conrado Pasilan ng Leopard Integrated Services, Incorporated, ay pinagkalooban din ng mga sertipiko bilang pagkilala sa kanilang katapatan. Ang tatlong ginoo ay pawang nakapulot ng mga mahahalagang ari-ariang naiwan sa loob ng paaralan at matapat na ibinalik ng mga ito sa kinauukulan.

      Ang mga estudyante at kasapi ng Xavier na pinarangalan ng umagang iyon ay nagsilbing mga magagandang modelo para sa iba at mga matitingkad na patunay na may maganda pang hinaharap ang bansa.

 

Mga Ehemplo ng Katapatan

Bb. Aimee Apolinario, Punong Patnugot ng Web sa Mataas na Paaralan

Men Deserving of Honor

Mrs. Jane Cacacho, HS Principal

 

Go back to the top ^

   






Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.
 

XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site


© 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved.
Terms under which this service is provided to you.
Read our disclaimer. Contact us.
  All external sites will open in a new browser.
Xavier School does not endorse external sites.
    Site Archive