![]() |
|
Calendar
|
COMMUNITIES Fr. Guy
Guibelondo, S.J.
Marahil kasabay rin ng bagong taong pampaaralan ang pagkilala sa bagong Campus Minister ng Xavier: si Fr. Guy Guibelondo. Kahit baguhan lamang siya, tiyak na handa na siya sa ganitong uri ng trabaho dahil sa iba’t ibang karanasan niya sa buhay.
Mula sa pagtatapos ng Mechanical Engineering sa
Davao , agad siyang Alam na niya sa simula pa lang ay hindi siya magiging masaya sa kursong kanyang kinuha. “Bakit ko tinapos? Kasi nasimulan ko na. Nasa third year na ako nang maging malinaw ang lahat. Malinaw sa akin na gusto kong maglingkod kahit ‘di ko pa alam papaano.” Dagdag pa niya, “Sa hayskul, Red Cross Volunteer ako at naranasan kong magdala ng pagkain sa mga nasunugan at evacuees at mag-alaga ng mga nasugatan. Gusto ko ang pakiramdam pagkatapos ng araw - alam kong ‘di nasayang.” Kahit sa simula’y nag-alinlangan si Fr. Guy, nabuo rin ang kanyang desisyong pumasok sa Kapisanan ni Hesus nang ipinabatid sa kanya ng isang Heswita ang kabuluhan ng kanilang mga gawain. Dulot ng mga karanasang ito, matitiyak na handang-handa na si Fr. Guy humarap sa mga tungkulin ng isang Campus Minister . Nang itanong sa kanya kung anu-ano ang mga inaasahan sa isang Campus Minister, aniya’y dapat ito ang bumuo at magpasinaya ng programang paghubog-espiritwal para sa mga mag-aaral. Dagdag pa niya, “Kasama sa mga salik ng programang ito ang mga sakramento, mga recollection at retreat , mga service program, at iba pang mga gawaing nagbibigay-buhay sa isang paghubog ayon sa mission-vision ng paaralan. Para sa taong ito, itinakda na ni Fr. Guy ang ilan sa kanyang mga pangunahing layunin. Una rito ang pagmamasid sa mga kasalukuyang programa ng Campus Ministry and Service Office (CMSO) ng buong paaralan upang mapabuti niya ito sa mga gawaing panghinaharap. Kabilang din sa mithiin niya ang pagtulong sa pagpapatupad ng mga programang inihanay na ng CMSO para sa kasalukuyang taon. Higit sa lahat, nais ni Fr. Guy na makilala ang mga mag-aaral, mga magulang at karamihan ng mga guro upang lalong magampanan ang kanyang trabaho. Sa patuloy pang pag-usad ng taong pampaaralan, inaasahan ni Fr. Guy ang masigasig na suporta ng bawat isa sa buong komunidad ng Xavier tungo sa isang makabuluhang taon.
|
|
| Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development. |
|
XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site |
| © 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us. |
All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites. |
Site Archive |