Search


Calendar
This Month
General

Highlights

Xaverian's Corner


Reflections


Athletics


Communities

Alumni
AAXS


Academics
The Xavier Education
Early Education
Grade School
High School
Admissions

About Xavier
Vis Mis Goals
Brief History
St. Francis Xavier
Kuang Chi
Coat of Arms
School Mascot
School Song
Prayer of SFX
Pledge
Video






 

HIGHLIGHTS

A-Day 2005: Buhay-Superstar!
Brian Ong (H4B), Pinuno ng Appreciation Day Committee

Photos Courtesy of Stallion and Xavier Photography Club

Posted Thursday, 29-Sep-2005 3:13 PM

      Isang tagumpay ang nakaraang pagdiriwang ng Appreciation Day o mas kilala bilang “A-day” ng Mataas na Paaralan ng Xavier noong Biyernes, Setyembre 23, 2005.

      Umaga pa lamang, nagtipun-tipon na ang mga mag-aaral sa labas ng faculty workroom upang masalubong at mabati ang kani-kanilang mga guro.

      Tugma sa temang Superstars ang ginawang disenyo ng Production Crew sa labas ng faculty workroom , kung saan may inihandang pulang kordong naghahati sa daraanang red carpet ng mga guro at sa mga mag-aaral na nagsisipagpalakpakan at nagkakantahan sa mga tabi at bleachers .

      Naroon ang Glee Club na nagbahagi ng kanilang musika para sa mga guro; maging ang Photography Club at Stallion Photographers na siyang naging opisyal na tagakuha ng litrato sa naturang araw ay naroon din upang kumpletuhin ang saya. Dagdag pa rito, siniguro rin ng mga CAdT officer ang disiplina ng mga estudyante at ang maayos na daloy ng programa.

      Gaya ng umagang pagsalubong sa mga guro, naging kapana-panabik at kawili-wili ang naging “Switch” Program , kung saan nagpalit ng puwesto ang mga guro’t mag-aaral sa unang tatlong mga asignatura. Para sa ilang mga napiling estudyante, gaganap sila bilang mga guro at gayon din naman ang mga guro, na pumapel bilang mga estudyante.

      Hindi roon nagtapos ang palabas. Nagtungo ang lahat sa HS Gym pagkatapos ng recess upang ganapin ang programang pinamagatang Academy Awards . Pangunahing adhikain nito ang maparangalan ang mga natatanging guro para sa kanilang mga kakaibang katangian sa iba’t ibang larangan. Ang mga binigyang parangal ay ang mga sumusunod na guro:

Look – A – Like Award: Gng. Jane Cacacho at Bb. Hazel Wong

Look – A – Like Award: G. Jake Aragon at G. Dan Caw

Health Buff Award: G. Chris Salumbides

Xavier Fashionista Award: Bb. Demi Tian

Awit Award: Bb. Dolly Joya

Cariño Brutal Award: G. Alemberg Ang

Sweetest Daddy Award: G. Joseph Ng

Sweetest Mommy Award: Gng. Michelle Albano

Dynamic Duo Award: G. Harris Guevarra at Bb. Perps Cuevas

Todo – Bigay Award: Gng. Vivian Ocampo

 

       Sa pagitan ng paggawad ng mga parangal, nagtanghal ng sayaw ang Dance X . Hindi rin naman nagpatalo ang Jubilee Batch Committee sa handog nitong video presentation na naglalayong maipakita ang mga ulirang guro makalipas ang halos limampung taon ng Paaralang Xavier.

  

      Natapos ang Academy Awards sa pagbibigay ng mga sulat at souvenirs para sa mga guro.

      Sumunod naman ang pagtungo ng mga guro sa Patio, kung saan sila kumain ng pananghalian.

      Kahit sa isang araw lamang, tunay namang naranasan ng ating mga guro kung ano ang buhay-artista. Buhay- Superstar .

HS A-Day 2005 Photo Gallery

 

Go back to the top ^

   






Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.
 

XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site


© 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved.
Terms under which this service is provided to you.
Read our disclaimer. Contact us.
  All external sites will open in a new browser.
Xavier School does not endorse external sites.
    Site Archive